/pif

[ kat / skuld / elka ]

[ louise kathleen agito ]
[ kat/skuld/elka ]
[ 18 ]
[ o5.2o.88 ]
[ hcms, ssa, ust ]
[ com-sci (ICS) student ]
[ pasaway, makulit, laging busy (kahit hinde), matakaw, kuripot ]
[ anime, mtv, myx ]
[ alt-rock, acoustic, pop ]
[ opms, the corrs, simple plan, 6cyclemind, hale, evanescence, avril lavigne ]
[ pRO, animes, music, forums, text-adiktus, internet, chat, soundtrip ]


i'm in ravenclaw!

contacts


e-mail || friendster

YM: elka_88

my wishlist

*meow*

*don't forget my birthday...^_^*

pentium 4 processor
new cellphone
cd burner
phone sa kwarto
new bag op corz!
new bandanas
new wallet
rebirth ni Elka~ haha! =P
money, nid many mwahahahahaha

  Elka~

Elka~
Loki Server

Guild: Oracle


tagboard

*pls post in my tagboard ^_^ tnx!*

   

calendar


<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30

links



[ blogs ]
eriz + longy + ninz + aaron + shan + sendo + nikko + najo + gio + dawyl + arianne + nicey + christel + jc + keti + gai-chan + shane + chrizta + mitch + cheslyn + joan + nelson + heiven + belldandy+ marice + irynna + bennett + hiyono + ava + abyssinian + aencille + jo + naj + jason + chenren + dors + roger + kelvin

[ forums ]
Loki Boards
geneiryodan amimono
anime features
UST Forums

[ deviantart ]
my dev
lendyll
ellaine

[ sites ]
UST
najo
LadyLumen's Acolyte Guide

Lissa Explains it All


I am nerdier than 71% of all people. Are you nerdier? Click here to find out!

fanlistings

AMG Fan Skuld Fan SkuldXKawanishi Sentarou Fan Belldandy Fan BellXKei Fan Kenshin Fan Fushigi Yuugi Fan Fruits Basket Fan ZoroXNami Fan Tomoyo Fan Andrea Corr Fan Simple Plan Fan Yael Yuzon Fan Full House (Sarangeh) Fan PinoyListings

search engines

Search over 70,000 of guitar and bass tabs
Song/Band Name:

credits

This blog is owned by skuldsama and is hosted free by blogdrive.com

The layout was made by the owner with the help of adobe photoshop 7.0 and photoshop brushes. The image used is found at Anime4ever.org and i want to credit the owner of the image. I have no idea of the angel used in this image. I dont even know why i have chosen that image (lol).

The pixelated icons can be found at gisele's blog

I would also like to credit horo_horo04 for my blog title, Heavenly Feathers.

If you have any comments and suggestions, feel free to email me. You may also use the tagboard and the commenting tools.

Thank You.





Contact Me


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:







Site © elka
Layout © skuldsama
Image ©
Anime4ever.org




rss feed



Sunday, June 19, 2005
IM BAAAAAAAAACK!!!!!!!!!


» Here's my sweet 'lil ANGEL! ^_^ «
waaaaah msta na kau mga co-bloggers ko ~hugs namiss ko kau! ^______^ aba, inaamag na tong blog ko, tagal ko ng d nagpopost. XD mahigit isang buwan na hehe. dami rin nangyari sakin na dko nailagay ko dito. nakakamiss rin pla toh. pano kasi ragna mode ako last month, nilulubos ko ung x3 experience. aba, minsan lng mangyari un ah. inaabangan ko na nga ung x3 experience uli sa september eh /gg.

// Belated Happy Bday to me! =p
hehe ang dami bumati sakin nung bday ko. un na ata ang bday ko na pinakamarami nakaalala hehe! if i know, kung hindi sa tulong ng makabagong teknolohiya natin ngaun(ie. friendster, alarm sa cellphone, at sa blog ko), cgurado ala nanaman makakaalala sa bday ko. hehe drama noh! wahahaha pero d nga. sa totoo lng totoo naman dba?! aminin!!! isa ka don!!! hahaha

// Buhay College
anyways, pasukan nanaman. bagong skul, bagong environment, bagong teachers/profs, bagong friends, bagong seatmates, bagong classroom, bagong building, bagong bag, bagong notebook, bagong ballpen, bagong sapatos, bagong uniform at kahit anu pang bago na pedeng msabi. sa ust nako nagaaral ngaun, dun sa may espana, at grabe, kapagod byahe. buti nlng hindi traffic pag pumapasok ako. 4 hours lng klase ko pero lunes hanggang sabado naman. /sob minsan na nga lang ako makapaglaro ng ragna eh. rarrrrrr. dami ko ring kaskulmate sa tone na nagaaral din sa ust. nakakatawa nga eh. ung mga skulamte ko dati sa tone, ung mga dko kakilala (kakilala lng sa mukha) eh nagbabatian kami sa ust. akalain mo un? nung nasa tone pako d kami nagpapansinan tapos ngaun nakakapagusap na kami or nagkakabatian pag nagkakasalubong. hehe! ok naman mga classmates ko sa bago kong skul. d naman sila mahirap pakisamahan. kaso nga lang may isa kaming prof na nakakatakot. basta prof namin sya sa english. sa harap pa naman ako nakaupo (kasi alphabetical) kaya ayun. sobra takot ko. kaya nga sa tuwing klase nya walang gusto umupo sa harap eh. lahat naguunahan sa likod. ok lng nmn kasi pumuwesto kahit saan pag time nya lng. pero pag iba, balik sa dati.

sabi ko sa sarili ko, "buti na lang ngaung college maiiwasan ko na ang PHYSICS at CHEMISTRY" pero d nga ko nagkamli, ala kami physics at chem, pero may LOGIC at ACCOUNTING nman kami. ~waa kainis. kala ko natakasan ko na si t.mario sa subject nyang logic un pla hindi. may logic pa rin pla ako (philosophy2). medyo high ang uste ngaun. may pa-syllabus-syllabus pa silang nalalaman. madodownload ung sa website ng ust. taga uste ka rin? gusto mo makadownload ng syllabus? dito makikita ung syllabus ng mga subjects, *click here* alang hiya yan. last night ang tagal kong naghanap sa website ng uste tungkol sa syllabus na yan, nakapost lng pala sa harap ng room namin ung url. hmmmpppfffff!!!!

// So, whazzup whazzup?!
eto ok lng naman. kasalukuyang umuulan dito samin. hehe sarap nanaman matulog mamayang gabi! ^___^ kabadtrip lang. hindi kami lumabas ngaun kasi yun nga umulan. d nako makakalaro mamayang gabi ng ragna kasi naubusan nako ng load. balak ko pa naman bibili sana ako ngaun. kaaasar!!!! sa ngaun dko muna papalitan layout ko dahil nitatamad ako at ala akong time gumawa. d tulad nung bakasyon. d2 lng ako sa bahay. salamat nga pla sa mga nagcocomment, bumibisita saka nagpopost sa tagboard kahit inaamag na tong blog ko. chalamat po sa inyo ~hugs. cge hanggang dito nlng. gutom nako, kain mode muna =p tc and God bless!



  elka-chan left a feather at 5:17:10 pm
Whisper  || 


Saturday, May 07, 2005
long time no blog... T-T


» Here's my sweet 'lil ANGEL! ^_^ «
nyahaha! at last makakapagpost na rin ako. nilulumot na tong blog ko eh. hehe simula nung mabago layout nawalan nako ng time para mag post. anyways...

MGA RASON KUNG BAKIT ANG TAGAL KONG D NAG-POST (hehe!)
- binawasan ang pagka-hyper haha eh kasi sa tuwing may bago akong layout parang ang sipag-sipag kong magpost sa blog ko. lol sa una lang naman, pag tumagal bihira na rin ako magpost. (kaso mukhang nasobrahan ata lol)
- gumawa ng layout at blog ginawan ko ng layout ang aking bestfriend na si horo_horo04 medyo nabuhos time ko sa layout nya dahil sa codes at image host. lang hiya, hanggang 251kb lang pala sa photoshop. eh yung layout 260+kb kaya ayun, naghanap pako ng matinong blog host. tapos sinubukan ko yung blog sa friendster. medyo ok sya. nahirapan lang ako (siguro nanibago) kasi dko lam kung san ieedit yung codes. tapos gumawa rin ako ng isa pang blog sa blogdrive. next time ko na ipu-plug yung blog ko! wahehehe
- busy bat kamo busy? download dito, chat doon, friendster dito, blog hop doon, hanap ng pics dito, text doon, telebabad dito, basa ng book doon. nagtataka ka kung san yung dito at doon? san pa ba?! kundi dito sa bahay. gawin daw ba akong taong-bahay?!
- bumalik ang pagka tv addict hehe sabi ko kasi magbabagong buhay nako ngayong bakasyon. babawasan ko na ang internet at sa halip ay manonood na lang ako ng tv!
- katamaran hehe kailangan pa bang i-explain yan?! lolz

SO... WAZZUP, WAZZUP?!
wazz up! wazz up! SOLID!!! hehe mag plug daw ba?! ala lang. natutuwa ako sa show ng wazzup2x. hehe! anyways, gusto ko lang ibalita sa mga rakista dyan at simple plan fans na MERON NG BAGONG MUSIC VIDEO SIMPLE PLAN, YUNG SONG NILA NA UNTITLED. napanood ko lang sya sa launch. ok lang yung music video, syempre, tulad ng song nila, malungkot yung video. dko pa napapanood to sa tv eh, pero aabangan ko talaga. kung gusto nyo mapanood yung bago nilang music video, click nyo lang po ito >>> simpleplan.com. last last last last week nga pala, pumunta kami sa haus ni bes longy. pumunta kami dun ni eric para i-install yung adobe photoshop kaso d ata makabasa yung cd rom nila eh T-T kumpleto pa naman ako sa gamit nun, andun na lahat ng brushes na meron ako, lahat ng fonts, sinave ko lahat sa diskette tapos d nagkaigi. pero ok lang, may pinapanood syang mga videos ng yoyo. grabe ang astig. naelibs ako wahehehe! alam nyo yung anime na super yoyo? kung napanood nyo yun, aakalain nyo na lahat ng tricks dun eh imposible. pero kung nakita nyo lang yung video na pina-panood samin ni longy, mare-realize nyo na mas malala pa yung tricks dun kesa sa anime. take note ha, yung videos na pinakita nya samin TOTOONG TAO yung nagyoyoyo. hindi anime. hindi sya camera trick. at lalong hindi magic. nagyoyoyo kasi si longy eh. kaya kung interesado ka sa videos na tinutukoy ko, aba'y wag ka ng magdalawang isip at bisitahin na ang blog nya! hala! click na dito! wag na mahiya, libre lang naman eh lolz. so far eto muna masasabi ko. next time na yung iba. bye!



  elka-chan left a feather at 11:17:56 pm
Saturday, April 23, 2005
NEW LAYOUT!!!


» Here's my sweet 'lil ANGEL! ^_^ «
nyahahaha new layout! kakagawa ko lang nito nung isang araw. ala kasi akong internet card so, gumawa na lang ako ng panibagong layout. marami rin namang nangyari sakin this week although nasa bahay lang ako.

We have a new pope, Pope Benedict XVI

last wednesday inannounce na meron na bagong santo papa. nalaman ko yun thru text, mga hating gabi na. nagtext si "everloving cute na cute" anna. aba, updated pala tong babaeng to. sya rin ang nagpakalat ng text nung namatay na ang santo papa. hehe thumbs up sayo anna! talagang d maalis ang pagka-staffer sa dugo mo! hehe sabi ng tatay ko, si Pope Benedict XIV (forgot his real name) ay yung pinakamatandang naging santo papa sa history. ok naman ang papa. sa totoo lang, natuwa rin ako nung napanood ko sa tv na may santo papa na nga. syempre dapat kong ikatuwa yun bilang isang katoliko. pero nakakatakot rin naman, dahil alam nyo na, maraming mga hula o prophecies (tama ba spelling?) dyan sa tabi-tabi after mamatay ni Pope John Paul II. speaking of Pope John Paul II, naging malapit rin sya sa mga pilipino. well, i dont expect na ganun din ang susunod na papa. syempre magkaiba sila. at sa dinami-rami ng mahihirap na bansa dito sa mundo maliban satin, hindi na nga ako mage-expect. pero syempre, ikatutuwa ko rin naman talaga kung magiging malapit muli ang bagong hirang na santo papa sa bansang pilipinas.

Wednesday, "hell" day?!

bakit kamo hell day?! pano kasi, nagpunta kaming ust para mag-enroll. aba! buong araw akong nakapila! ang dami-daming tao sa ust! grabe halos gutumin nako kakapila. alam nyo bang 3 beses kayong pipila sa tution fee? may pila sa labas ng gymnasium, may pila sa loob, tapos hanggang sa loob na loob ng building may pila pa rin? grabe, pagkatapos magbayad ng tuition fee sabi ng lalake pumunta daw sa main building para mag pa-id picture. syempre inaa-sahan ko na, pipila ulit ako. buti na lang nga hindi ako magpapatahi ng uniform kundi pati sa pila sa pagpapasukat pipila nanaman ako eh!. haha 1:30 na kami natapos at gutom na gutom nako. ang init pa ha. at eto pa masama. ako pa nagbayad ng lunch namin ng tatay ko!!!! waaaahhhh bawas nanaman pera ko!!! pero sabi nya babayaran nya rin daw yun. ok lang, babayaran din naman pala eh, hehe. tapos nun, sumakay na kami ng fx pauwi. yung nasakyan naming fx parang nasa loob kami ng oven sa sobrang init! grabe may aircon pero ang hina-hina. kung tutuusin mas gugustuhin ko pang sumakay na lang sa jeep dahil mas mahangin dun. kaso ang problema lang kasi sa jeep eh yung mga usok saka polusyon.

ayun lang yung nangyari sakin this week. kainis nga lang, hindi ako nakapaglaro ng ragna dahil sa ala na talaga akong money. hehe! yun lang. nitatamad lang ako magpost pero eto, tinopak ulet! hehe!



  elka-chan left a feather at 11:51:44 am
Sunday, April 17, 2005
my top 10 most favorite music videos


» Here's my sweet 'lil ANGEL! ^_^ «
lolz, ala lang, gusto ko lang ipost yung mga pinakafave kong music videos. pano kasi mas madalas nako makanood ng MTV! pinaka fave ko yung MTV Siesta dahil astig yung mga vjs! haha saka pinaka-aabangan ko pati si M.... shocks... nakalimutan ko ulit name name nya... basta! maganda sya! nagagalingan ako sa kanya, basta... ganda talaga nya... btw, hindi michelle name nun... basta M... naguumpisa hehe... anyways... here goes my top10 most favorite music videos... ^_^

10

Hari ng Sablay - Sugarfree

hehe ang gusto ko sa video na to, nakakatuwa yung bata, payatot na sya na ewan tapos parang e-engot engot hehe ala lang, nakakalibang yung video ^_^


9

Addicted - Simple Plan

Stay Together for the Kids - Blink 182

hehe bat kamo dalawa? eh gusto ko eh! blog ko toh kaya kahit lima pa ilagay ko, ala kayo magagawa hahaha anyways, kaya dalawa yan, kasi sa videos na yan, halos mayanig na yung house pag kumakanta sila hehe sa addicted, nasa house sila uhmm... parang lumang house (?) tapos halos magiba na yung house habang tumutugtog yung banda hehe yung sa blink182 naman, eto talaga ang astig! ang background nila eh old mansion (ata?) or old museum (siguro?) tapos napaka gloomy nung place... parang patay na patay... tapos pagdating sa chorus.... WHOAH!!! halos mayanig yung place!!! astig!


8

Nalilito - 6CycleMind

hehe fave ko rin toh! :P although malungkot yung video nya. tungkol sya sa isang girl na "loner" simula bata pa, at hanggang pagtanda. pero may part na hindi ko maintindihan dun... yung last scene dun na kumakain sila ng ice cream (?) nagtataka lang ako sa part na yun... hehe anyways, maganda rin ang song! nakakarelate ako sa song!

7

Get Right - Jenifer Lopez

Im Not that Kind of Girl - Jojo

uhmm... uunahan ko na kayo. d ako magaling at mahilig sumayaw lolz. gusto ko yung song and video nya hehe galing sumayaw ni JLo!!! astig, ganda pati ng katawan nya... hehe tapos yung kay jojo naman *silence* ANG GANDA NYA!!! sobra!!! hindi talaga ako nagsasawa mapanood yung mga videos nya! aba! sa ganda ba naman ng singer na to na 14 years old pa lang eh talagang d magsasawa mata't tenga ko kakapanood ng video nya! hehe ganda pati ng beats ng song na to...


6

Minamalas - Mojofly

sino na nakapanood nito, taas ang dalawang paa!!! hahaha nakakatawa yung video nito. basta lakas ng trip ng video na toh. sa mga dpa nakakapanood, MANOOD NA KAYO! magtiyaga kayo mag-abang nito sa mtv or myx mwahahahahahahaha *evil grin* cute pati ni ali!!! (yung drummer) hehe


5

Astro - Radioactive Sago Project

Gin Pomelo - Radioactive Sago Project

sa lahat ng music videos eto na ata yung pinaka-kakaiba sa lahat. ang dating kasi nung song nya, parang poem na nilagyan ng background music. tapos yung video ng astro, may story. basta love story sya, mahabang kwento hehehe! yung sa gin pomelo naman, ang lyrics nya "gin pomelo, gin pomelo...... gin pomelo, gin pomelo..... gin pomelo, gin pomelo...." err... me kulang paba sa lyrics? lolz basta kung meron pang ibang lyrics yun, yan lang ang natatandaan ko haha tapos yung video naman nya, sa house of representatives (ata? im not sure) err... para sakin walang story yung video ng gin pomelo... almost non-sense at all! lolz pero fave ko (hindi dahil sa nonsense ako! haha) kundi kakaiba ang videos ng radioactive sago project! ^_^


4

Sige - 6CycleMind

what's with this video anyway? yung song and video, tungkol sa inuman. sa oras ng problema, alak lang kasama mga kaibigan ang paraan para panandalian nating makalimutan ang mga problema. may tatlong part yung video nito (i guess?) yung mga parts: tagay, pasaway, olats. yung tagay, yung normal type ng inuman ng mga tambay. yung toping nakahubad yung mga nagiinuman w/ tattoos on their body. uhmm... sa tingin ko sa squaters sila nag-shoot at pino-portrait nila (err sorry for the word "squaters"). yung pasaway naman, medyo maayos-ayos na. bakit kamo pasaway? kasi mga nursing students (i guess... hehe) na nag-iinuman sa dorm! sem break nila yun so, ayun, pinilit silang maginuman, sa una pakipot pero napainom din. hehe yung olats naman (meaning "talo" thanks for bes longy), ang scenario naman nya, nasa bar tapos yung guy naglalasing because of break up. yun lang mahaba na to eh hehe


3

Burn - Usher

usher!!! my fave!!! galing nya sumayaw sobra! ilang beses ko ng napanood tong viode nya pero d ako nagsasawa! galing nya talaga! mas gusto ko to kesa sa confessions part 2. hehe! ganda pati nung video. lalo na yung pinakalast part ng video. ganda ng background saka galing nya talaga sumayaw!!! hehe :P


2

Only One - Yellow Card

oh yeah!!! nasa 2 nako! hehehe ang scenario naman ng video nito, there's some kind of a rally (err tama ba?) tapos may lovers sa frontline. hehe dko magets kung bakit sila andun. tapos nung nagkakagulo sila biglang nagkaroon ng orchestra sa gilid ng street. lolz. sounds weird dba? mag bf/gf nasa frontline ng rally? orchestra during rally? lolz. kakaiba talaga tong video na toh... hehe and aside from that, maganda ang song! :P


1

You'll Be Safe Here - Rivermaya

err.. correction lang po... yung video po na tinutukoy ko dito eh yung music video talaga ng banda. hindi yung music video sa spirits!!! haha (duh?!) anyways, sino na nakanood nito?! tumuwad!!! hahahaha joke! kahapon ko pa lang napanood yung video nito sa mtv siesta at ng mapanood ko.... whoah... shocks... si rico blanco... w/ his band rivermaya... ang video nila ng you'll be safe here.... ASTIG!!!! basta kakaiba sya! maganda talaga.... lalo na yung background nila. hehehe dko na i-eexplain. its up to you to find out kung ano yung video nila, basta maganda... hehe magsimula na kayo mag-abang ng video nito. sa tingin ko bago pa lang tong video na to kasi kahapon ko lang napanood. hehehe basta maganda! kaya nga no.1 most favorite music video ko eh! heheh


----------


ayan natapos din. ang haba! hehehe napagod daliri ko kakatype! hahaha kung gusto yno magreact, just use the commenting tool. or kung meron kayong correction sa pinagsusulat ko dito, wag kayong mahiya mag sabi. hehe tao rin naman ako nagkakamali eh. hehe so sabihin nyo lang kung ano sa tingin nyo ang mali sa pagdescribe ko ng mga videos. ^_^




  elka-chan left a feather at 11:12:42 pm
Saturday, April 09, 2005
pag balik-tanaw...


» Here's my sweet 'lil ANGEL! ^_^ «
hiatus? lolz no im not. tinatamad lang talaga ako magpost dito sa blog ko hahaha. pero ngayon, tinopak nanaman ako ng kasipagan kaya ayan, nagpost ulit ako. hehe! since marami akong ikukwento, i categorize na lang natin sya. ^_^



SENIOR's PROMENADE 2005

sabi nga nila, ito ang isa sa mga PINAKA MEMORABLE at PINAKAMASAYANG YUGTO sa buhay ng isang tao sa high school. well, hindi nga sila nagkamali. masaya nga ang prom. at kung tutuusin, mas naenjoy ko ang prom this year kesa last year. eh syempre ba naman, puring-puri ng principal ang prom namin! (sana lang totoo yung sinabi nya!) saka isa pa, ang ganda ng venue! lolz. it was held at Shangri-la Hotel last February 14, 2005. hehe basta, kakaenjoy, pano kasi, lakas ng trip ng mga tao dun. lalo na nung sayawan na, grabe magwala yung mga tao dun. haha. imagine nyo na lang, napaka-pormal ng suot namin. mga tipong naka-gown at coat-and-tie (tama ba?!) mga tao dun. tapos pag-apak nila sa dance floor, grabe, nagwawala na sila! hahahaha kung sumayaw para wala ng bukas hahaha. tapos lalo na yung pinatugtog na yung "let's get it started" ng bep, talaga "WHOAH!!!" pagdating sa chorus, kantahan yung mga tao tapos nagtatalunan na sila. haha kaya nga sa tuwing naririnig ko yung song na yun naaalala ko kung gano kasaya nung prom eh.

anyways, just to share some of our pics during the promenade....

mga friends namin, hehe

all girlz!

ang Happy THREE Friends feat. nicolo magundayao (lolz)

friendly friends ulet! hehe!




OUR BACCALAUREATTE MASS

sa wakas, natapos na rin ang practices sa bac mass namin! hehe! hindi naman sa pagbubuhat ng sariling upuan, eh nagandahan ako sa bac mass namin. wala lang, first time eh. lolz wala kasi kaming bac mass nung grade6 kami eh hehehe. pero sa totoo lang, kahit nakaka badtrip yung practices namin sa bac mass eh masasabi ko ring "it's worth it" (naku, tama ba ang grammar?! correct me if im wrong, lolz) katakut talaga yung pwesto ko nung bac mass, nasa unahan pa naman. haha andun yung academic councils saka principal kaya parang tuod ako haha! joke. pero grabe ang init sa simbahan. sobra. imagine, hapon yun, walang fan sa pwesto namin, naka vest pa kami, san ka pa?! eh d pawis ang inabot namin. pero nung kalagitnaan naman eh ok ok na kami. hindi na kami pinagpapawisan kasi medyo wala ng araw. nagbigay rin ako ng letter sa mga friends ko. hehe aba, ginabi ata ako ng tulog the day before the bac-mass at nalate pa sa pagpunta sa school dahil kinabukasan gumagawa pako ng letter haha. that's what you call cramming lolz. nagbigay rin ako ng letter sa nanay ko at aba! naiyak! hehe wala lang, naiyak sya dun sa letter. hehe

eto nga pala yung pics namin before the bac-mass...

say KESO! lolz

snap shot! haha ang cute ng pose namin! lolz XD ayun ako, yung nakalingon haha!

go QUEZON! pose!




THE BIG EVENT: OUR GRADUATION

big event, huh?! lolz eto kasi yung pinakaaantay kong araw. hehe sino bang hinde? kahit nakakalungkot isiping magkakahiwalay na rin kami ng mga friends ko, masaya rin namang isiping ga-graduate na kami. nung graduation, kasama ko yung nanay ko, tatay ko, saka si eric. hindi ako kabado nung time na yun, ewan ko ba kung bakit. para sakin, parang wala lang. wala naman akong kakaibang feeling nun kundi normal lang. wala lang talaga akong masabi. pero sa totoo lang, nung nakuha ko na yung toga ko, sobrang saya ko talaga. dun ko nasabi sa sarili ko na "kat, graduate ka na!" sobrang saya ng feeling. at the same time, nakakakaba rin. syempre tapos na ang isang kabanata ng buhay ko. at eto, papunta nako sa susunod na chapter! ang college life! sabi nila mahirap daw saka malakas ang impluwensya ng mga friends dun. saka isa pa, masyado daw maluwag pag college ka na. kahit anong gawin mo walang pakialam mga tao sayo. haaaay life. masaya rin ang graduation namin. after naming kumanta ng grad song namin, iyakan kagad yung mga tao dun. hehe syempre d ako kasama dun. ayoko umiyak eh. saka nung time na kinakanta namin yung grad song namin, wala lang, d ako naiiyak. hehe actually natatawa pa nga ako eh. hehe natatawa kasi ako sa actions namin dun sa grad song lalo na yung mga part na umiikot kami. haha! ang kulit pa naman ni yanni, eh nasa unahan ko pa yun. kaya ayun, habang kumakanta, tumatawa ako. hehe after nun, nag closing prayer na kami tapos kinanta na namin yung alma mater hymm namin. dun ako naiyak! ewan ko ba, sa grad song namin d ako naiyak (siguro dahil na rin sa kalokohan ko dahil sa natatawa talaga ako sa actions namin lalo na yung umiikot na part) tapos yun, after namin kumanta ng alma mater, nagyakapan kagad kami ng mga friends ko. grabe dun ako naiyak hehe. sino bang hindi maiiyak?! tapos dun, bigayan na ng letters (at sa katangahan ko pa, naiwanan ko yung letters ko dun sa bahay dahil sa pagmamadali! hmmppppffff!!!). tapos picture picture kami. grabe ang kukulit ng mga kasama ko. basta may picture ok na. hahaha basta lakas talaga ng mga trip nung mga yun kaya nga mamimiss ko sila eh.

eto yung mga pics namin... hehe!

eto ang class pic ng section namin!

ang pic ng trofa (incomplete po, ala yung iba eh)

kami ni eric, hehe!

kami nila rezza at trecia! ^_^

kami ni trecia, ang best friend ko since first year


------

ayan, tapos na (hay sa wakas, natapos rin!). natatawa lang talaga ako pag naaalala ko yung mga kalokohan namin. hindi man halata sa itsura namin (dahil mga mukha kaming mababait! lolz joke3x!) eh gumagawa rin kami ng kalokohan noh! tao rin kami, marunong din kami gumawa ng kalokohan, hindi lang kami puro aral, akala nyo lang mabait kami at tahimik at masisipag, kung alam nyo lang yung pinaggagagawa namin. hehe! eto na siguro yung pinakamahaba kong blog entry sa ngayon. ala lang, nakakamiss lang kasi talaga. at sana kahit papano magkita-kita pa kami kahit busy na kami sa college. kaya kayo, kung magha-high school pa lang kayo, i-enjoy nyo na ng sobra sobra (syempre wag pababayaan ang pagaaral) dahil minsan lang kayo magha-high school. hehe!



  elka-chan left a feather at 4:26:20 pm
Previous Page Next Page